Nagsagawa ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Tree Planting Activity sa Watershed ng Barangay Sapangbato, Angeles City nito lamang Sabado, ika-2 ng Disyembre 2023.
Ang naturang pangangalaga ng kalikasan na pinamunuan ni Hon. Carmelo Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City katuwang ang City Environment and Natural Resources Office.
Nagtanim ng mga iba’t ibang uri ng punong-kahoy ang mga awtoridad na naglalayong madagdagan ang mga puno at mapangalagaan ang nasabing watershed.
Patuloy ang panghikayat ng Lokal na Pamahalaan ng Angeles City sa mga private at public sektor sa pagtatanim ng mga punong-kahoy sa Angeles City.