Tuloy-tuloy na umaarangkada ang Tree Planting Activity ng Angeles City Environment and Natural Resources Office sa Angeles City Watershed Barangay Sapangbato, Angeles City nito lamang Sabado, ika-12 ng Agosto 2023.
Ang naturang pangangalaga ng kalikasan na pinamunuan ni Hon. Carmelo Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City.
Nagkaisa ang bawat indibidwal at nagtanim ng mga punongkahoy na may lawak na 560-hectare watershed sa nasabing lugar.
Hinihikayat ni Mayor Lazatin ang mga pribadong sektor at Non-Government Organizations ng Angeles City na magtanim ng mga puno sa nasabing watershed.
Patuloy na sinisiguro ni Mayor Lazatin ang pagpapanatili ng kalinisan at pangangalaga ng kalikasan lalo na sa kanyang nasasakupan.