Matagumpay na naisagawa sa munisipalidad ng Bacnotan ang tradisyunal na prusisyon o libot tuwing Biyernes Santo bilang pag-alala sa paghihirap ni Hesukristo at ang kaniyang pagkapako sa krus sa Bundok ng Kalbaryo.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng St. Michael the Archangel Parish at nilahukan naman ito ng daan-daang residente ng Bacnotan at parokyano ng simbahan, gayundin si Mayor Divine Fontanilla at ilang kawani ng lokal na pamahalaan.
Namuno naman sa pagpapanatili ng kaayusan ang Bacnotan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office katuwang ang Bacnotan Police and Fire Station.
Samantala, patuloy rin ang pakikiisa ng MDRMMO sa kapulisan para sa kampanyang “Ligtas SumVac 2023.”
Source: Bacnotan, La Union