15.6 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

Toyota Hilux Conquest nahulog sa bangin; 3 patay at 1 sugatan

Patay ang tatlong indibidwal habang sugatan ang isang indibidwal matapos mahulog sa bangin ang isang Toyota Hilux Conquest sa Camanggaan First Gate, Brgy. Ucab, Itogon, Benguet nito lamang Enero 20, 2025.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jefferson Amayag Oplas, 29-anyos, drayber; Rubelyn O. Agapinan, 27-anyos; at Charles Oplas, 21-anyos, parehong pasahero, at ang sugatan na si Luisito David Bacoco, 14-anyos, pawang mga residente ng Ti Luneta, Antamok, Barangay Loacan, Itogon, Benguet.

Batay sa imbestigasyon ng Itogon PNP, ang pulang Toyota Hilux Conquest ay nanggaling sa Ucab at patungo sana sa siyudad ng Baguio nang bigla umano itong bumangga sa isang road concrete barrier dahilan upang ito ay mahulog sa bangin na may lalim na 100 meters.

Kaagad naman itong nerespondehan ng Itogon PNP at mga residente ngunit idineklarang dead-on-the-spot ang drayber at kaagad na dinala ang tatlo pang pasahero sa ospital, subalit binawian din ng buhay ang dalawang nabanggit na pasahero.

Patuloy naman ang pagpapa-alala ng Itogon PNP sa mga motorista na maging maingat sa pagmamaneho upang makaiwas sa anumang aksidente.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles