16.7 C
Baguio City
Thursday, October 24, 2024
spot_img

Town Hall Meeting, isinagawa ng lokal na pamahalaan ng San Fernando sa Barangay Bungro

Nagsagawa ng Town Hall Meeting ang lokal na pamahalaan ng San Fernando, La Union sa Barangay Bungro upang bigyan ng pagkakataon ang mga residente na ihayag ang kanilang mga saloobin at pangangailangan.

Pinangunahan ni City Mayor Hermenegildo A. Gualberto ang naturang meeting kasama ang mga tagapamuno ng iba’t ibang opisina ng lokal na pamahalaan upang mapakinggan muli ang mga problema o suliraning nararanasan ng mga residente at mabigyan ng karampatang solusyon.

Bukod sa pagpupulong, nagbahagi rin ang lokal na pamahalaan ng bigas at emergency flashlight bilang tulong sa mga residente ng nasabing barangay.

Hindi naman titigil ang mga namumuno sa lungsod ng San Fernando sa La Union sa paglapit ng serbisyo sa kanilang nasasakupan nang sa gayon ay mas mapagaan at mas guminhawa ang pamumuhay ng kanilang nasasakupan.

Source: City Government of San Fernando, La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles