13.9 C
Baguio City
Friday, January 24, 2025
spot_img

Tourist activities na kauna-unahang DOT Accredited LGU Owned and Operated Farm Tourism, ibinida

Tampok ngayon ang mga ipinagmamalaking tourist activities na maaaring gawin ng mga turista na bibisita sa kauna-unahang DOT- Accredited LGU Owned and Operated Agri-Tourism site sa Cagayan Provincial Farm School and Agri-tourism Center sa Anquiray, Amulung, Cagayan.

Una rito ang mga instagrammable site tulad ng treehouse, heart-shape background at nest basket para sa mga magkasing-irog na bibisita. Bida rin ang bamboo shades at bougainvillea arch.

Ayon kay Provincial Agriculturist Pearl P. Mabasa, ang mga turista ay pwedeng mamasyal sa buong farm school ng maghapon at maaaring matuto rin ng libreng training sa makabagong teknolohiya ng pagtatanim tulad ng hydroponics at aquaponics.

Sa ngayon, bilang isang farm tourism site, iba’t ibang mga tourism offerings ang mararanasan ng mga turista dito, bukod sa farming technologies.

Kabilang ang photo taking experience, sowing area, Visitors Pavilion (na may OTOP products), Mushroom Laboratory Production at Demo, hydroponics at aquaponics, fermented plant at fruit juice making.

Ang mga ito ay libre sa ngayon para sa mga turista, maliban sa mga maaani na prutas o gulay at mabibingwit na isda na may kaakibat na bayad.

Handog rin ng agri-tourism site ang pick and pay ng mga prutas tulad ng mangga, papaya at pakwan, mga gulay na “pinakbet type”, at ang catch-and-pay ng tilapia sa farm school.

Source: Cagayan PIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles