20.1 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Top Leader ng NPA, 4 na iba pa patay sa engkwentro

Pinuno ng Bohol Party Committee (BPC) ng New People’s Army at apat pang kasamahan nito ang napatay sa isang engkwentro sa mga alagad ng batas sa munisipalidad ng Bilar sa lalawigan ng Bohol nito lamang Biyernes ng umaga, Pebrero 23, 2024.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Norman Nuiz, tagapagsalita ng Bohol Police Provincial Office (BPPO), nagsimula ang engkwentro dakong alas-6:52 ng umaga sa Purok Matinan-ao Dos, Barangay Campagao, Bilar, Bohol.

Dagdag ni Nuiz, nasa lugar umano ang mga tauhan ng militar at pulis sa oras ng insidente para magsilbi ng Warrant of Arrest laban sa lima umano’y miyembro ng NPA na nananatili sa lugar.

Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Bohol Police Provincial Office (BPPO) at 47th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Pagdating sa lugar, gayunpaman, ang mga sangkot na tao ay nanlaban sa mga alagad ng batas dahilan upang sila ay dumipensa, na humantong sa pagkakasawi ng miyembro mula sa magkabilang grupo.

Dahil dito, naalarma ang mga residente ng barangay nang marinig ang palitan ng putok malapit sa kanilang mga bahay.

Ayon pa kay Nuiz, isang pulis ang napatay na kinilalang si Police Corporal Gilbert Amper, na idineklarang dead on arrival sa ospital samantalang sugatan naman ang isa pa nilang kasamahan na si Police Corporal Gerard Rollon na nagtamo naman ng tama ng bala sa katawan at isinugod din sa parehong ospital.

Kinilala ang limang namatay na miyembro ng NPA na sina alyas “Silong,” na inilarawan bilang isang squad leader ng mga labi ng BPC at ang dating commanding officer ng Sandatahang Yunit Pangpropaganda (SYP) Platoon; si “Silong” na may pabuya na Php2.6 milyon at pinaghahanap para sa ilang kaso kabilang ang rebellion, homicide, attempted homicide, multiple murder, frustrated murder, at robbery; si alyas “Aldrin”, assistant squad leader at political guide; at ang mga miyembro ng squad na sina Marlon Omosura alyas “Darwin,” si alyas“Juaning at si Hannah Joy Cesista alyas “Maya/Lean,” na isang Cebu-Based Lawyer na taga-Northern Samar at dating representative ng National Union of Peoples’ Lawyer ng Cebu Law Students.

Nakumpiska sa lugar ng pinangyarihan ang anim na baril kabilang ang isang R4 M16 rifle, isang M16 Baby Armalite rifle, isang M16 Rifle at tatlong yunit ng .45 caliber pistol.

Tumagal ng 2 oras at 45 minuto ang engkwentro na natapos ng alas-9:35 ng umaga.

Ang pwersa ng Bohol PNP ay magpapatuloy sa operation para hulihin ang iba pang mga natitirang miyembro ng Bohol Party Committee ng NPA.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles