Nasakote ang tinaguriang Top 10 Most Wanted Person Provincial Level sa kasong Murder sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay San Isidro, Laur, Nueva Ecija nito lamang Miyerkules, ika-6 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ang suspek na isang helper, residente ng Barangay Calabasa, Gabaldon, Nueva Ecija.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder na walang piyansang inirekomenda.
Patuloy ang PNP sa pagtugis sa mga taong may sala sa batas upang maging isang tahimik at payapa ang ating bansa.