Timbog ang tinaguriang Top 1 Most Wanted Person ng Kalinga na may kasong Qualified Rape of Minor at Lascivious Conduct sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Purok 5, Calanan, Tabuk City, Kalinga nito lamang Mayo 8, 2025.
Ayon sa pulisya, dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 7 Counts of Qualified Rape of Minor na walang nirekomendang piyansa at Lascivious Conduct na may rekomendadong piyansa na P240,000.00 na inilabas ni Judge Jerson E Angog, Regional Trial Court Branch 25 sa Tabuk City Kalinga noong April 22,2025.
Patuloy ang PNP sa pagtugis sa mg taong may sala sa bats at ilagay sa likod ng rehas.