17.6 C
Baguio City
Tuesday, October 22, 2024
spot_img

TOG-2 ng Philippine Airforce, may bagong Komander

May bagong pinuno ang Tactical Operations Group -2 o TOG-2 ng Philippine Airforce na nakabase sa Cauayan City, Isabela.

Ito ay sa katauhan ni Col. Glen Piquero kung saan pinalitan niya si Col. Sadiri Tabutol.

Si Col. Piquero ay dating Assistant Chief of Unified Command Staff for Logistics, U4 ng Northern Luzon Command o NOLCOM.

Lilipat naman si Col.Tabutol sa Phil Force-Officers School Air Education Training Doctrine Command sa Lipa City, Batangas. Siya ay naging pinuno ng TOG-2 sa loob ng mahigit dalawang taon.

Si Col. Tabutol ay nagtagal ng dalawang taon at tatlong buwan sa kanyang posisyon kung saan nakatanggap siya ng mga parangal mula sa iba’t ibang ahensya ng Rehiyon 2 na ipinamalas ng TOG2 PAF.

Ang kakayahan niya ay para mailagay ang kanyang kaalaman sa taktika ng mga pagsasanay ng mga miyembro ng PAF para sa magandang nasimulan sa Rehiyon 2.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles