Isinagawa ang isang Pre-Registration Seminar para sa 42 miyembro ng Cataggaman Viejo Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) at Tuguegarao City Parlor Workers and Owners Association sa Function Room ng City Hall ng Tuguegarao nito lamang ika 11 ng Abril 2025.
Pinangunahan ito ng Cooperative and Livelihood Development Office (CLDO) sa pamumuno ni Fe Mallari, katuwang ang Cooperative Development Authority (CDA).
Layunin ng seminar na ihanda ang mga kalahok sa pagtatatag ng kanilang sariling kooperatiba, na makatutulong sa pagpapalakas ng kanilang kabuhayan at samahan.
Tinalakay nina Christopher Corral, Senior Cooperative Development Specialist, at Ivonne Paredes, Cooperative Development Specialist II, ang mahahalagang proseso tulad ng legal na dokumentasyon, online registration, at mga benepisyo ng pagiging kasapi. Ipinaliwanag din ang mga karapatan at tungkulin ng mga miyembro.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Panlungsod, na suportahan ang mga grassroots sector at itaguyod ang inklusibong pag-unlad sa lungsod.
Source: Tuguegarao City Information Office