14.5 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

TOD Credit Cooperative sa Tuguegarao, nakatanggap ng Livelihood Assistance

Nakatanggap ng tig-Php10,000 na livelihood assistance ang nasa 57 na miyembro ng Tricycles Operators and Drivers Credit Cooperative ng lungsod mula sa LGU Tuguegarao na ginanap sa People’s Gymnasium, Tuguegarao City, Cagayan nito lamang Mayo 7, 2024.

Pinangunahan ni City Mayor Maila Ting-Que ang pamamahagi ng nasabing assistance, katuwang ang Tricycle Regulation Unit sa pamumuno ni TRU Head Mariano Cabugos, mga tauhan ng Cooperative Livelihood and Development Office at City Treasurer’s Office.

Ang TOD Credit Cooperative na ito ay kinabibilangan ng ULEX (Ugac Sur Luna Extension) TOD Credit Cooperative, Carig Norte TOD Credit Cooperative, Pengue Ruyu TOD Credit Cooperative at Centro TOD Credit Cooperative.

Nasa Php570,000 kabuuang halaga ang naipamahagi sa mga miyembro nito na kanilang magagamit bilang start-up o dagdag kapital sa kanilang negosyo.

Hiniling ni Mayor Maila Ting-Que sa mga benepisyaryo na ingatan at pahalagahan ang perang binigay upang mapabuti ang kanilang buhay.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan din nina City Councilor Mark Angelo Dayag, City Councilor Arnel Arugay at ABC President Restituto Ramirez na nagbigay rin ng kani-kanilang mensahe bilang suporta sa programa ng lokal na pamahalaan.

Samantala, sumailalim sa Entrepreneurship at Financial Literacy ang benepisyaryo na ginanap noong Abril 23, upang sila ay bigyang kaalaman sa tamang pagpapaikot sa perang ipinagkaloob sa kanila na siyang magagamit nila sa buwanang hulog sa kooperatibang kanilang kinabibilangan.

Source: Tuguegarao City Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles