14.5 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Titulo ng lupa ipinamahagi sa mga mamamayan ng Palayan, Nueva Ecija

Patuloy sa pamamahagi ng titulo ng lupa sa mga mamamayan ng Palayan, Nueva Ecija ang pamahalaan nito lamang ika-7 ng Hunyo 2022.

Ayon kay City Administrator Jemuel Dela Cruz, ang pagkakaroon ng dokumento tulad ng titulo ng lupa ay mahalaga at matibay na batayan hinggil sa pagmamay-ari ng lupang kinatitirikan ng tahanan o sakahan.

Ang programang ito ay inilunsad sa pangunguna ni Mayor Adrianne Mae Cuevas noon pang taong 2020 na ang pangunahing layunin ay makatugon at makapagbigay seguridad sa lupain ng mga residenteng naninirahan dito.

Sa barangay Popolon, 170 pamilya na ang napagkalooban ng titulo ng lupa na labis naman nilang pinagpapasalamat.

Pinangangasiwaan ng City Assessor’s Office, City Legal Office, Department of Environment and Natural Resources at mga opisyales ng barangay ang pagpoproseso ng mga titulo na kanilang ipinamamahagi.

Hinimok ang mga mamamayan na kung may katanungan o problema sa lupa ay huwag mag-atubiling lumapit sa mga nabanggit na tanggapan o sa mismong opisina ng Punong Lungsod.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles