16.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Titulo ng lupa at iba’t ibang gamit sa pagsasaka ipinamahagi ng DAR sa Tarlac

Namahagi ng mga titulo ng lupa at iba’t ibang gamit sa pagsasaka ang Department of Agriculture sa mga miyembro ng Farmer’s Association sa bayan ng Tarlac nito lamang ika-21 ng Hulyo 2022.

Personal na iniabot ni DAR Secretary Condrado Estrella III ang mga titulo sa 120 benipisyaro ng agrarian reform.

Walong organisasyon naman ang nabigyan ng mga farm equipment na labis makakatulong sa pagpapaganda ng kanilang produktong pang-agrikultura at pinansyal na pangangailangan.

Dumalo din sa aktibidad ang DAR Region III Director na si James Arsenio Ponce, CESO III, Assistant Regional Director na si Atty. Odgie Cayabyab at Tarlac Provincial Head Jocelyn Ramones.

Ang proyekto ay naayon sa tema na “Tuloy ang Pag-asa at Pag-unlad Hatid ng Repormang Agraryo”.

Pinahayag ni Secretary Estrella na ang bagong sistema ng agrarian reform ay nangagahulugang ” Malaking Kita, Masayang Magsasaka”.

Patunay lamang na ang gobyerno ay patuloy sa pagsulong ng mga programang makakapagpagaan sa kabuhayan ng mga mamamayan partikular sa sector ng agrikultura.

Source: Department of Agriculture Central Luzon

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles