Personal na iniabot ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr., ang tig-P10 milyon para sa walong lokal na pamahalaan ng Cagayan na nasalanta ng bagyong Marce, ngayong araw, ika-10 ng Nobyembre 2024.
Kabilang dito ang mga bayan ng Buguey, Baggao, Santa Ana, Gonzaga, Gattaran, Aparri, Santa Teresita, at Sanchez Mira. Sinisiguro ng Pangulo ang agarang pamamahagi ng mga relief goods at iba ang tulong sa mga lubhang nasalanta sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Parte ng pagbisita ng Pangulo na alamin ang aktwal na sitwasyon sa nasabing lalawigan at para ipatupad ang agarang pagpapatupad ng agarang rehabilitasyon. Inihayag din nito na may mga tulong ding ipapamahagi sa mga magsasakang nasiraan ng pananim dahil sa hagupit ng bagyo.
Hinihikayat rin ng Pangulong Marcos ang mga opisyal na ipagbigay alam lamang sa kaniyang tanggapan kung ano pang tulong ang kailabgang ibahagi para sa agarang pagbangon ng mga mamamayan sa Cagayan.
Source: PIA Cagayan