22.9 C
Baguio City
Thursday, April 3, 2025
spot_img

Three-Day Basic Robotics Training, isinagawa sa CPLRC

Isinagawa ang unang araw ng Three-Day Basic Robotics Training ng Cagayan Provincial Learning and Resource Center (CPLRC), Tuguegarao City, Cagayan noong ika-29 ng Marso 2025.

Dalawampung (20) Senior High School students ang kalahok ng pagsasanay na kinabibilangan ng 10 na estudyante mula sa Cagayan National High School at 10 mula sa John Wesley College sa lungsod ng Tuguegarao. Pawang mga estudyante ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics o STEM Strand.

Nagsilbing tagapagsalita naman si Ginoong Deejay Anapi, Program Development Officer II ng DICT Region 02 upang ibahagi ang kaalaman sa paggawa ng program robots gamit ang iba’t ibang plataporma at kagamitan na ibinigay ng DICT para sa pagsasanay.

Ang naturang pagsasanay ay isinagawa sa Digital Transformation Center ng CPLRC na nagsisilbing hub para sa digital learning, skills development, at innovation ng lalawigan upang mapalawak pa ang pagkamalikhain ng mga mag-aaral at makapaglikha ng mga proyekto mula sa kanilang mga natutunan.

Layon nito na mabigyan ang ICT-strand students sa lalawigan ng mahahalagang kaalaman at hands-on na karanasan sa robotics, programming, at automation. Ipakilala din sa mga kalahok ang mga konsepto ukol sa robotics, kabilang ang mechanical design, sensors, actuators, at coding, kasabay ng pagpapalawak sa kanilang problem-solving at critical-thinking skills.

Samantala, magtutuloy naman ang pagsasanay sa robotics sa CPLRC sa Abril 5, at Abril 12, 2025. Magkakaroon naman ng kompetisyon sa mga kalahok kung saan ipapakita nila ang kanilang likhang proyekto pagkatapos ng kanilang workshops.

Source: Cagayan PIO

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles