Ang Hundred Islands National Park ay isang destinasyong panturista na matatagpuan sa Barangay Lucap, Lungsod ng Alaminos, Pangasinan. Ito ang unang Pambansang Parke ng Pilipinas na binubuo ng 124 pulo, ngunit 123 pulo lamang ang makikita kapag nakataas ang tubig.
Ang Hundred Islands ay isa sa mga dinarayo ng mga turista sa ating bansa dahil sa angkin nitong ganda lalo tuwing tag-araw dito sa Pilipinas. Tatlong pulo lamang ang ipinaunlad para sa mga turista, ang mga pulo ng Gobernador, Quezon, at Children. Ang Governor’s Island ay para sa pamilya, at may mga pinauupahang silid na may dalawang pinto. Samantala, ang Children’s Island ay para sa mga nagtitipid na manlalakbay na ang mga silid ay may de-gaas na lampara. At ang Quezon’s Island naman ay para sa mahilig magpiknik at magkamping.
Ang National Park ay nilikha ng Presidential Proclamation No. 667, na sumasaklaw sa isang lugar na 16.76 square kilometers (6.47 sq mi) at nilagdaan ni Pangulong Manuel L. Quezon noong Enero 18, 1940, para sa kapakinabangan at kasiyahan ng mga mamamayan ng Pilipinas at kilala bilang Hundred Islands National Park (HINP).
Napabilang ang Hundred Islands sa “Sampung Pinakamagandang Baybaying dapat Puntahan” na binuo ng Manila Bulletin Online noong Marso 2007.