Ang citrus ay isa sa tinaguriang top high-value crops sa ating bansa.
At isa ang Lambak ng Cagayan kung saan naroroon ang bayan ng Kasibu sa pangunahing lugar na nagsusuplay nito.
Ang bayan ng Kasibu ang pinanggagalingan ng calamandarin oranges, mandarin (satsuma and ponkan) at pomelos.
529 ektarya ng lupa dito ay natatamnan ng Rutaceae, o ang citrus cinensis.
Kilala rin ang lugar na ito sa iba’t ibang klase ng orange na itinatanim sa mga upland villages sa bayan.
Inaani ang iba’t ibang orange at citrus varieties mula buwan ng Hulyo hanggang Enero at binabagsak sa mga outlets na matatagpuan sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Dahil dito, nilagdaan ni Agri Chief, Dr. William D. Dar nito lamang Hunyo 24, 2022 ang administrative order na nagdedeklara sa bayan ng Kasibu bilang Citrus Capital of Luzon.
Kung kayo ay mapapadaan sa lalawigan ng Nueva Vizcaya ay kapansin-pansin ang mga nagtitinda ng mga citrus at iba’t ibang gulay sa kalsada na dinadayo ng mga turista at biyahero.
Source: DA Cagayan Valley