Nagsagawa ng isang Task Force Lingkod Cagayan-Quick Response Team (TFLC-QRT) Boot Camp ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa Brgy. Amunitan, Gonzaga, Cagayan noong Hunyo 25-26, 2022.
Ang nasabing aktibidad ay parte ng selebrasyon ng 439th Aggao nac Cagayan at bilang paghahanda sa nalalapit na disaster month.
Isinagawa ang Boot Camp upang mahasa ang kakayahan ng mga responders sa pagbibigay ng 24/7 na tulong sa mga Cagayano na nangangailangan lalo na sa oras ng sakuna.
Ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang galing sa rescue skills enhancement, tent making contest, at ilang ball at board games.
Sa kasalukuyan, ang TFLC ay may pitong station na matatagpuan sa mga bayan ng Gonzaga, Amulung, Tuao, Sanchez Mira, Lal-lo, Ballesteros, at Tuguegarao City, Cagayan. Source: Cagayan PIO