Ipinasakamay na sa 15 pamilya na benepisyaryo ng mga house unit sa TECO-MECO Village o Taipei Economic and Cultural Office-Manila Economic Cultural Office sa Brgy. Lallayug, Tuao, Cagayan nitong Lunes, ika-26 ng Hunyo 2023.
Pinangunahan mismo ni MECO Chairman Silvestro “Bebot” Bello III, Vice Chair Renato L. Edarle at Governor Manuel Mamba, Vice Mayor Francisco Mamba ang pag-turn over sa mga benepisyaryo.
Ang labing limang (15) 4×9 unit apartment type ay itinayo sa tatlong ektarya na lupain kung saan dito inilaan ang donasyon mula sa TECO na $200,000 o katumbas ng Php11.5 milyon na tinanggap ni Governor Mamba.
Kompleto na rin ang village katulad ng supply ng kuryente at tubig at gawa sa mga matitibay na materyal.
Labis naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo dahil sa ngayon ay mayroon na silang tirahan.
Matatandaan na limang buwan na nanatili sa evacuation center ang mga pamilya na benepisyaryo matapos tangayin ng tubig-baha mula sa Chico River dahil sa bagyong “Paeng” ang kanilang kabahayan.
Nakasama rin sa programa ang lahat ng Sangguniang Bayan Member ng Tuao sa pangunguna ni SB Marcita Mamba, Barangay Officials, benepisyaryo at mga empleyado ng LGU Tuao at Kapitolyo ng Cagayan.
Source: Cagayan PIO