Umarangkada ang Tech4ED sa Barangay Cabatuan, Alaminos City, Pangasinan nito lamang Lunes, Hunyo 27, 2022.
Ang Tech4Ed ay proyekto mula sa Department of Information and Communications Technology, na naglalayong matulungan ang mga taga Alaminos City upang maitaguyod ang kaunlaran sa pamayanan at magbigay ng pinahusay na serbisyo sa mga komunidad na may minimal o walang sapat na access sa impormasyon at internet connectivity.
Ang mga kawani ng Alaminos City Library ang siyang namahala sa nasabing aktibidad na pinangunahan ni Librarian III Virgie Aquino, Officer-in-Charge.
Ito ay inaasahang mag-iikot sa iba pang barangay sa mga susunod na buwan upang mailapit sa mas marami pang Alaminians ang libre at de-kalidad na serbisyong hatid nito.
Hindi naman tumitigil at patuloy ang pagsasagawa ng lokal na pamahalaan ng Alaminos sa mga proyektong makakatulong sa kanilang nasasakupan upang mas guminhawa ang kanilang buhay at magtuloy-tuloy ang kanilang pag-asenso.
Source: LGU – Alaminos City, Pangasinan