22.2 C
Baguio City
Tuesday, October 22, 2024
spot_img

Taxi nahulog sa bangin sa Itogon, Benguet; drayber sugatan

Isang taxi na may trade name na Hamero at may Plate Number na AYT 950 ang aksidenteng nahulog sa bangin na tinatayang may taas na 250 meters sa Sabkil, Loacan, Itogon, Benguet nito lamang Sabado, Mayo 27, 2023.

Ayon sa ulat, isang jeepney driver ang nakakita sa insidente kung saan agad niya itong inireport sa Barangay Officials ng Upper Loacan Barangay Hall.

Agad namang rumesponde ang nasabing barangay officials kasama ang mga miyembro ng Itogon PNP, 911 on-call crew, Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) at mga residente na boluntaryong tumulong.

Ang biktima ay kinilalang si Marlon Daos, 46 anyos, na agad dinala sa Baguio General Hospital Medical Center para sa agarang medikal na atensyon.

Patuloy naman ang pagbibigay ng paalala ng mga awtoridad sa publiko lalo na sa mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles