16.5 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Tauhan ng BPSO, sumailalim sa Refresher Training ng Basic Life Support at First Aid

Sumailalim sa refresher training ng Basic Life Support (BLS) at Standard First Aid ang mga tauhan ng Bayambang Public Safety Office (BPSO) na ginanap sa Pavilion I, St. Vincent Ferrer Prayer Park, Bayambang, Pangasinan mula Hulyo 30 hanggang Agosto 2, 2024.

Ang naturang pagsasanay ay pinangunahan ni Dr. Eloy P. Bueno, kasama ang mga nurse na sina Jonathan T. Melchor, Jake Kelvin Baniqued, at Jerome Ellaus mula sa Pangasinan Health Office.

Ang mga eksperto ay nagbigay ng masusing kaalaman sa mga paksa tulad ng adult at infant CPR, automated external defibrillator (AED), foreign body airway obstruction (FBAO), at rescue breathing para sa mga bata at matatanda.

Layunin ng pagsasanay ay upang mapalakas ang kakayahan ng mga staff sa pagbibigay ng tamang paunang lunas at pagligtas ng buhay sa oras ng mga hindi inaasahang sakuna.

Sa huling bahagi ng pagsasanay, nagkaroon ng aktwal na demonstrasyon, field simulation exercises, at pagsusulit upang ma-assess ang kasanayan at kaalaman ng mga kalahok. Si Ms. Joanne Villanueva, Development Management Officer IV ng DOH Region I, ay dumalo bilang observer at evaluator, upang masiguro ang kalidad at bisa ng training.

Ang refresher training na ito ay isang malaking hakbang para sa mga kawani ng BPSO upang mas maging epektibo sa kanilang misyon na magbigay ng agarang tulong sa mga Bayambangueño sa oras ng pangangailangan. Sa pamamagitan ng mga ganitong pagsasanay, mas pinagtibay ang kanilang kakayahan na makapagligtas ng buhay at makapagbigay ng paunang lunas.

Sa bagong Pilipinas, ang mga ganitong inisyatibo ay mahalaga sa pagpapalakas ng kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan. Ang BPSO ay patuloy na nagsusulong ng mga proyektong makapagpapabuti sa serbisyong pampubliko, at ang refresher training na ito ay patunay ng kanilang dedikasyon sa pag-aalaga at proteksyon sa komunidad.
Source: Balon Bayambang

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles