Arestado ng mga operatiba ng Abra PNP ang tatlong Top Most Wanted Person sa Provincial Level sa Calot, Bangued, Abra noong ika-30 ng Agosto 2024.
Matagumpay ang operasyon sa pinagsanib pwersa ng mga operatiba sa pangunguna ng Bangued Municipal Police Station katuwang ang Provincial Intelligence Unit at Provincial Investigation and Detective Management Unit ng Abra PPO, Manabo Municipal Police Station, 1504th Maneuver Company ng RMFB15 at Provincial Intelligence Team ng Abra at Regional Intelligence Unit-14.
Arestado ang mga suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa mga kasong Murder na walang piyansa, Attempted Murder at Frustrated Murder na may kabuuang piyansa na Php320,000.
Ang matagumpay na pag-aresto ng mga may sala sa batas ay patunay lamang na patuloy ang Pambansang Pulisya sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin bilang pagsuporta sa Whole of the Nation Approach ng kasalukuyang administrasyon upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan tungo sa mas ligtas na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Melanie Amoyong