13.9 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Tatlong munisipalidad sa Rehiyon 2, idineklarang Drug-Cleared ng ROCBDC 2

Idineklarang Drug-Cleared ang Municipality ng “Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing” (ROCBDC 2) ang munisipalidad ng Solana at Lal-lo, Cagayan at ang munisipalidad ng Reina Mercedes, Isabela sa isinagawang deliberasyon noong Disyembre 7, 2023 sa Patio Enrico, Tuguegarao City, Cagayan.

Sa naganap na “ROCBDC Deliberation of Applicant Municipalities” ay masusing pagsusuri ang ginawa ng komite na binubuo ng PNP, DOH, PDEA, DILG at PLGU sa mga dokumento at report na iprinisinta ni Hon. Jennalyn P Carag, Mayor ng Solana at Hon. Maria Olivia Pascual, Vice-Mayor ng Lal-lo, Cagayan gayundin ang Mayor ng Reina Mercedes, Isabela.

Dumaan ang mga nabanggit na lugar sa masusing pagsisiyasat at deliberasyon upang masiguro na nakamit ng mga ito ang mga kinakailangan na itinakda ng Committee.

Pagkatapos nito, isinagawa ang pagpirma ng resolusyon ng mga cleared barangays at municipalities na sinundan ng paggawad ng mga sertipiko.

Ang aktibidad na ito ay isinagawa sa pangunguna ni Dir. III Levi S Ortiz, RD, PDEA Chairman ROCBDC/RD, PDEA RO II na kinatawan ni Dir. II Christy E Silvan, Assistant Regional Director, kasama sina Ms. Jasmin Aresta ng DILG RO2, PMAJ Babyrose P. Cajulao ng PRO2, Ms. Paulene Mae Q. Garcia ng DOH RO2, LGU representatives Ms. Maria Visitacion Dela Cruz ng Provincial Government of Cagayan at Ms. Maria Victoria Azurin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.

Source: PDEA Region 2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles