17 C
Baguio City
Wednesday, November 20, 2024
spot_img

Tatlong dating miyembro ng CTG, boluntaryong sumuko sa Bayambang, Pangasinan

Sumuko sa gobyerno ang tatlong dating miyembro ng Nagkaisang Magsasaka at Mangingisda sa Mangabul (NAMNAMA) mula sa pamamahala ng Anak Pawis sa Brgy. Amancosiling Sur, Bayambang, Pangasinan nito lamang Martes, Agosto 09, 2022.

Ang tatlong sumuko ay sina Mercedes Fernandez y Homero, 60, Marcelina Bautista y Paragas, 63, Jojo Fernandez y Homero, 32, silang tatlo ay residente ng Brgy. Amancosiling Sur, Bayambang, Pangasinan.

Boluntaryong sumusuko ang tatlong dating miyembro ng CTG sa mga tauhan ng Bayambang Municipal Police Station sa pakikipagtulungan sa Provincial Intelligence Unit Pangasinan PPO, Regional Intelligence Unit 1, Provincial Intelligence Team Pangasinan, 23rd Special Action Company SAC (SAF), 105th MC Regional Mobile Force Battalion 1.

Ang pagsuko ng mga dating rebelde sa hanay ng gobyerno ay patunay ng pagpupursigi ng pamahalaan na mabigyan ng panibagong buhay at maituwid ang kanilang maling paniniwala at mabigyan ng magandang kinabukasan para sa kanilang mapayapang pamumuhay.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles