14.5 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

Tatlong araw na pagsasanay sa Filipino Sign Language, sinimulan ng PSWDO

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Deaf Awareness Month, sinimulan ngayong araw ng Nobyembre 21, 2022 ang tatlong araw na pagsasanay sa Filipino Sign Language na ginanap sa Taj Hotel, Tuguegarao City, Cagayan.

Ang pagsasanay ay sinimulan ng nga kawani ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) katuwang ang Handicapable Association of Cagayan na dinaluhan ng PWD leaders at PWD focal person ng iba’t ibang LGUs sa lalawigan, kinatawan ng PNP, at ilang mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.

Sa aktibidad ay nagbigay ng mga pahayag ang mga kalahok.

Ayon kay Helen Donato, PSWD Officer, layunin ng aktibidad na magkaroon ng kaalaman ang bawat kinatawan ng tanggapan ng pamahalaan sa kung papaano ang tamang pakikipag-usap sa mga kliyente na hindi nakakapagsalita at nakakarinig.

Dagdag pa ni Restituto Vargas, Social Welfare Officer III ng PSWDO na napapanahon na upang sanayin ang mga empleyado ng pamahalaan dahil marami aniya ang kliyente na deaf and mute na kanilang nakakaharap at bihira lamang aniya ang nakakaintindi sa kanila.

Nagbigay din ng pahayag si Amalia Decena ng Handicapable Association of Cagayan.

“Napakahalaga ng aktibidad dahil base sa mga naipaparating sa kanilang organisasyon ay napakarami umanong napag-iiwanan na mga hard of hearing individuals dahil sa kakulangan ng pang-unawa sa kanila”, aniya.

Samantala, sinabi naman ni Claire Galapon, isa sa mga trainor, bagaman ito ang kauna-unahang imbitasyon na sila ay magsasanay ng mga empleyado kaugnay sa sign language, sinisiguro naman niya na maraming matututunan ang mga ito dahil layunin din nila na maibahagi ang kanilang kaalaman upang mayroon din silang katuwang na makipag-usap at umunawa sa mga hard of hearing individuals.

Nanawagan din si Galapon sa mga lider ng Lokal na Pamahalaan na maging ang mga magulang rin aniya ng mga hard hearing individuals ay mabigyan rin sana ng pagkakataon na masanay dahil base sa kanyang karanasan bilang isang guro ng deaf and mute ay marami rin sa mga magulang ang hindi nauunawan ang mismo nilang mga anak na may kapansanan.

Source: Cagayan PIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles