Naghatid ng tulong ang Umay Mangted iti Sungbat o Task Force UMISU ng libreng tulong medikal para sa 33 indibidwal sa Barangay Madayegdeg, San Fernando City, La Union nito lamang ika-30 ng Agosto 2022.
Ang grupo ay namahagi ng libreng check-up, food packs, dental kits at plant seeds na maaaring itanim sa kanilang bakuran.
Ang mga benepisyaryo ng Task Force UMISU ay ang mga residenteng may sakit o karamdaman, matatanda at may mga kapansanan.
Ipinagpapatuloy ng grupo ang ganitong aktibidad para sa ikabubuti ng kalusugan at pamumuhay ng mga residente ng nasabing lugar.
Dagdag pa ng Task Force UMISU, ang nasabing aktibidad ay may layuning mahatiran ng tulong at tapat na serbisyo ang lahat ng residente sa kanilang nasasakupang lugar kasama ang mga kinatawan sa iba’t ibang opisina ng City Government ng kanilang siyudad na kanilang kasangga sa mga ganitong aktibidad.