14.5 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Task Force Lehitimo (Free Late Birth Registration), isinulong sa Dagupan City

Inilunsad ng Lungsod ng Dagupan ang Task Force Lehitimo sa ilalim ng programang “Pamilyang Rehistrado, Kinabukasan ay Sigurado” kung saan umiikot sa iba’t ibang paaralan ang Pamahalaang Lungsod ng Dagupan, Local Civil Registry at City Population Office na nagsimula nitong Nobyembre 14-18, 2022 sa iba’t ibang paaralan sa lungsod.

Ang Task Force Lehitimo ay pinamumunuan ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez at ng City Civil Registry Officer na si Doc Kim Paras.

Layunin nito na matulungan ang mga magulang sa late birth registration ng kanilang mga anak sa pangangasiwa ng Local Civil Registry at City Population Office katuwang ang DepEd Dagupan.

Pinapayuhan ni Mayor Fernandez at Doc Paras ang mga interesadong magulang na makipag-ugnayan sa paaralan ng kanilang anak para maka-avail ng programang ito.

Ayon pa kay Mayor Fernandez, para sa mga magulang na nais i-late register ang kanilang mga anak ay magdala lamang ng negative certification of birth certificate mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) at Negative Certificate of Birth din sa Local Civil Registry.

Ang mga programa ng ating pamahalaan ay nagiging matagumpay dahil na din sa patuloy na suporta at pakikipagtulungan ng mga mamamayan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles