Pinasinayaan ng Pamahalaan ng Tarlac City ang pagbubukas ng bagong Tarlac City OFW Center para tugunan ang mga pangangailangan ng mga Tarlakenyong Overseas Filipino Workers na naganap sa Tarlac City Hall, Ligtasan, Tarlac City nito lamang Huwebes, ika-18 ng Abril 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng City Government ng Tarlac sa pamumuno ng aktibong mayor na si Hon. Cristy Angeles.
Ang naturang proyekto ay magsisilbing one stop hub upang matugunan ang mga pangangailangan at mabigyang suporta ang ating mga magigiting na OFW.
Kabilang sa maaari nilang makuhang serbisyo ay ang legal assistance, counselling, repatriation assistance, livelihood and skills enhancement programs, family support at community building.
Prayoridad ng pamahalaan ng Tarlac City ang paghahatid ng serbisyo sa kanilang nasasakupan upang lahat ay mabigyan ng pantay-pantay na karapatan at matugunan ang kanilang pangangailangan sa lahat ng aspeto.