Tumanggap ng parangal ang Tarlac City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) ng Gawad Kalasag as Best Local Government Emergency Management and Response Team noong Mayo 27, 2022.
Matapos ang initial evaluation kaugnay sa naturang parangal, ang field validation ng disaster response operations ng CDRRMO ay pumili ng Top 3 sa Central Luzon kung saan kabilang ang Tarlac CDRRMO.
Ang Gawad Kalasag ay kumikilala sa mga institusyon na may mabisang disaster risk reduction management, humanitarian assistance sa panahon ng sakuna at iba pa.
Ayon kay Mayor Cristy Angeles, tagapamuno ng CDRRMO, pinahahalagahan ng City Government of Tarlac ang kaligtasan ng mga mamamayan kung kaya pinalalakas nito ang kahandaan sa emergency laban sa sakuna.
Pinasalamatan din ng Ina ng Lungsod ang Region 3 Office of Civil Defense at Regional DRRMO sa pagbibigay ng motivation sa Tarlac CDRRMO upang maging tutok at handa para sa kaligtasan ng mga Tarlakenyo.
Source: https://web.facebook.com/tarlac.cio/posts/372581804907542?_rdc=1&_rdr