Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac ang adhikaing “Tarlac City, Clean City” at isinagawa kamakailan lamang ang isang malawakang clean-up drive sa Masalasa Creek at NIA Canal.
Ang programa ay inisyatibo ng naturang lungsod sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles sa pakikipagtulungan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) at City Engineer’s Office (CEO), na Kung saan regular ang paglilinis at pangongolekta ng basura sa mga barangay.
Layunin nitong mapanatili ang kaaya-ayang kapaligiran ng lungsod at maiwasan ang mga panganib na dulot ng kalat at hindi tamang pamamahala sa basura.
Bilang karagdagang suporta sa kampanya, namahagi na rin ang Pamahalaang Lungsod ng 19 Mini Dump Trucks sa iba’t ibang barangay mula nang maupo sa puwesto si Mayor Cristy.

Patuloy ang panawagan sa mga mamamayan na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at disiplina sa kanilang paligid.
Patunay ito ng malasakit ng lokal na pamahalaan at hangaring gawing huwaran ang Tarlac City sa kalinisan at kaayusan. Sa pagtutulungan ng lahat, posible ang isang malinis, maayos, at ligtas na lungsod.
