14.3 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Taon-taon na suportang pang-Edukasyon para sa mga mag-aaral, handog ng Tarlac City Government

Tuloy-tuloy pa rin ang pagbuhos ng biyaya sa mga learners ngayong panahon ng pasukan. Ito ang handog ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac City sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles sa Day 4 ng Lingap Anghel Balik Eskwela Program 2024 sa iba’t ibang Integrated Elementary Schools sa lungsod nito lamang Biyernes, ika-2 ng Agosto 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Honorable Cristy Angeles, Ina ng Lungsod Tarlac City katuwang si Mr. Vic Angeles, buong Angeles Family at ang Kaisa Team.

Mahigit 89 public at Integrated Elementary Schools sa lungsod ang nabahagian ng mga libreng school bags na may kumpletong school supplies sa mga mag-aaral sa iba’t ibang eskwelahan ng Tarlac City.

Ang mga tulong na ito ay malaking ginhawa sa mag-aaral at kanilang mga magulang, lalo na sa panahon na maraming hamon ang kinakaharap sa edukasyon.

Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa mga ganitong programa na naglalayong matulungan at maiangat ang sista ng edukasyon sa bansa upang mabigyan ng pantay na oportunidad ang lahat ng mag-aaral, anuman ang kanilang estado sa buhay para sa hinahangad na Bagong Pilipinas.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles