20.2 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Pinakamataas na Bamboo Statue sa Buong Daigdig nasa Bayambang, Pangasinan

Ang municipal government ng Bayambang ay muling nakakamit ng World Record ng pinakamataas na Bamboo Statue sa buong daigdig. Ang proyektong estatwa ni St. Vincent Ferrer ay pinarangalan sa pangugnuna ni Mayor Cezar Quimbao.

Ang seremonya ng groundbreaking para sa buong St. Vincent Ferrer Prayer Park, ang lugar ng rebulto ay naganap noong Hunyo 20, 2018. Ang pagpapatayo ng St. Vincent Ferrer Statue ay tumagal ng higit-kumulang sampung buwan na kinasasangkutan ng 608 na lalaki at isang babae. Ang proyektong prayer park, kasama ang rebulto, ay pribadong pinondohan ng “Kasama Kita” sa Barangay Foundation.

Isang paghatol ang ginawa noong Abril 5, 2019 upang matukoy ang aktwal na taas ng estatwa ng Guinness World Records at kumpirmahin ang pag-angkin nito sa world record. Ang buong Prayer Park ay pinasinayaan at binuksan sa publiko sa gabi ng parehong araw kung saan ideneklara ang St. Vincent Ferrer Statue bilang pinakamataas na estatwa ng kawayan sa buong mundo.

Ang petsa ay kasabay ng ika-400 na anibersayo ng pagkakatatag ng Parokya ng Saint Vincent Ferrer bilang isang institusyon, at ang ika-600 anibersayo ng kamatayan ng Santo na inialay na rebulto.

Maalala na ang bayan ng Bayambang noong 2014 ay unang nakilala sa pagtatala ng world record para sa pinakamahabang barbecue. Kinilala ng Guinness World Records ang tagumpay matapos pangunahan ng Lokal na Pamahalaan ang paghahanda ng 8 kilometro (5.0mi) na barbeque bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-400 na anibersayo ng pagkakatatag ng bayan.

Panulat ni Henry Z Marasigan

Source:

https://en.wikipedia.org/wiki/St._Vincent_Ferrer_Statue#:~:text=The%20St.,bamboo%20sculpture%20in%20the%20world.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles