14.5 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Tadian MLGU, nasungkit ang 7 Parangal mula DILG

Nasungkit ang pitong parangal ng Tadian Municipal Local Government Unit sa pagbibigay ng napakalaking serbisyo publiko sa iba’t ibang larangan mula sa Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan (DILG) sa Regional Awarding ng 33rd Local Government Month Celebration na ginanap sa Crown Legacy Hotel sa Baguio City nito lamang ika 28 ng Oktobre 2024.

Si Mayor Constito S. Masweng, kasama si DILG MP Provincial Director Evelyn B. Trinidad, Cluster Head Samson B Appoy, at MLGOO Jill F Fa-ed, ay tumanggap ng mga sumusunod na parangal mula kina Assistant Secretary para sa Community Participation Elizabeth N. Lopez de Leon, DILG CAR Regional Director Araceli A. San Jose, CESO III, at Mr. Nathaniel A. Saquiban, National Director – CRFV: 1. 2022 ADAC Functional Audit (Rehiyonal) 2. 2023 ADAC Functional Audit (Rehiyonal) 3. 2022 POC Functional Audit (Pambansa) 4. 2023 POC Functional Audit (Rehiyonal) 5. 2023 LCAT-VAWC Functional Audit (Rehiyonal) 6. 2023 LCPB Functional Audit (Rehiyonal) 7. 2023 LPMC Functional Audit (Rehiyonal) Ang mga parangal na ito ay patunay ng napakalaking tagumpay ng Municipal Local Government Unit sa iba’t ibang larangan ng pamamahala.

Mabuhay ang lahat ng mga opisina at ang lahat ng mga taong nagbigay ng kontribusyon sa mga parangal na ito para sa Bayan ng Tadian.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles