Nagsagawa ng Symposium/Lecture ang Bamban Municipal Police Station sa mga mag-aaral ng Anupul Elementary School sa Sitio Pandan, Brgy. Anupul, Bamban, Tarlac nito lamang ika-8 ng Hulyo 2022.
Ang aktibidad ay kaugnay sa pagdiriwang ng ika-27th PCR Month 2022 na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan”.
Tinalakay ni Police Chief Master Sergeant Aileen Mallari Feliciano, WCPD/FJGSS PNCO sa mga mag-aaral na nasa ika-5 at ika-6 na baitang sa elementarya ang patungkol sa WCPD Project “Be Careful”.
Bukod dito, tinalakay din ang Child Abuse Resistance, Elimination and Fight Unwanted Lewd, ang RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 at ang EO 70 o To End Local Communist Armed Conflict.
Layunin nitong imulat sa mga kabataan na maging edukado sa mga batas, masamang dulot ng ilegal na droga at maling ideolohiya at mapanlinlang na istratehiya ng mga teroristang grupo.