15.1 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Surprise Drug Testing, isinagawa ng Angeles City

Nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Angeles ng Surprise Drug Testing sa mga Tricycle Driver sa lalawigan ng Angeles nito lamang ika-31 ng Mayo 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., katuwang ang mga tauhan ng Angeles City Anti-Drug Abuse Council at sa koordinasyon ng Land Transportation Office (LTO).

Matagumpay na naisagawa ang drug testing sa 225 drayber ng MPMNCHTODA, 203 miyembro ng PULMARTODA, at 180 drayber ng PULMAR CENTRO.

Anya ni Lazatin, “Ang ginagawa nating ito ay bahagi po ng ating programa kontra droga,” upang masiguro na walang droga sa hanay ng mga drayber sa Angeles.

Ang drug testing sa mga miyembro ng transport group ay nakabatay sa Republic Act 10586 o ang “Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.”

Layunin ni Mayor Lazatin na pangangalagaan ang kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng pagpigil sa paglaganap ng ilegal na droga sa loob ng sektor ng transportasyon.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles