Sa nakakarami, ang summer o tag-init ay nangangahulugan lamang na pagpunta sa mga dalampasigan upang maligo o magtalampisaw habang ineenjoy ang sikat ng araw. Para sa iba naman, nangangahulugan ito bilang pagsisimula ng makabagong pakikipagsapalaran, tulad ng pagsubok ng bagong sport gaya ng sufing, lalo na sa mga kabataan.
Sa probinsya ng La Union sa bandang hilagang Luzon, ang bayan ng San Juan ay tinawag na “Surfing Capital of the North”. Ang naturang 30th Southeast Asian (SEA) Games sa sport na Surfing ay ginanap nga dito. Nangangahulugan na ito ay kilala na hindi lamang sa Pilipinas, ngunit pati na rin sa iba pang mga bansa.
Ang malalaki at kumikislap na alon nito, ang pagkakaroon ng mga resort, at ang mainit na pagtanggap nito sa mga tao ay ang mga salik na naging dahilan upang makuha ng San Juan ang naturang titulo.
Ang dagat dito ay hindi lamang para sa mga gustong sumubok ng sport na surfing, bagamat ang karagatan dito ay malaking tulong para sa mga taga San Juan dahil nagsisilbi itong pokus ng hanapbuhay ng mga tao na naninirahan dito. Dahil sa mga resort at iba’t ibang business na nagbukas dito, nagkaroon ng trabaho ang mga taga San Juan at patuloy pa nila itong pinapaganda at inaalagaan upang mas kagiliwan ng mga turista.
Maliban sa pagbibigay ng trabaho o hanapbuhay sa mga mamamayan, inilalayo rin nito ang mga kabataan sa masasamang bisyo at hindi pagsama sa mga organisasyon o grupo na hindi maganda ang layunin.
Panulat ni Berting
Source:
https://news.abs-cbn.com/special-report/04/11/08/san-juan-la-union-surfing-capital-north