Sumuko ang isang Supply Officer ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa Otucan Sur, Bauko, Mountain Province nito lamang ika-15 ng Setyembre 2023.
Kinilala ang sumuko na 40 anyos, magsasaka, naninirahan sa Tabuk City, Kalinga at miyembro sa ilalim ng operational jurisdiction ng Weakened Guerrilla Front AMPIS (WGF AMPIS).
Ito rin ay kabilang sa listahan ng mga miyembro ng Kilusang Larangang Guerilya AMPIS at KLG MARCO noong 2016.
Kasabay ng kanyang pagsuko ang pagsurrender sa kanyang baril na M1 Garand Rifle na may defaced serial number at may clip at tatlong live ammunition.
Ayon sa ng inisyal na panayam sa dating rebelde, inihayag niyang siya ay narecruit noong 2015 at nagsilbi bilang S4/Supply Officer.
Samantala, sumuko ang nasabing rebelde dahil sa serye ng negosasyong isinagawa ng Mt. Province PNP at Philippine Army.
Nananawagan naman ang pamahalaan sa mga iba pang mga miyembro ng NPA na magbalik-loob upang higit na makamtan ang tunay na kalayaan kasama ang kanilang mga pamilya.