14.6 C
Baguio City
Friday, November 22, 2024
spot_img

Supply Officer ng NPA sumuko sa Baguio City

Bolutaryong sumuko ang supply officer na miyembro ng New People’s Army sa mga otoridad sa Baguio City nito lamang Oktubre 21, 2022.

Kinilala ang dating rebelde na si alyas “Pediong/Gary”, 39 anyos, miyembro at nakatalaga bilang supply officer ng Kilusang Larangang Gerilya sa ilalim ng Marco Leonardo Pacsi Command na kumikilos sa rehiyon ng Cordillera.

Ayon sa mga otoridad, kabilang si alyas Pediong/Gary sa listahan ng Periodic Status Report on Threat Group ng 3rd Quarter ng CY 2019.

Siya rin ay naging miyembro ng organisasyong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) sa Mandaluyong City noong 2009 bago tuluyang sumali sa armadong operasyon ng KLG Marco noong 2011.

Samantala, muling hinikayat ng mga otoridad ang iba pang mga miyembro at tagasuporta ng NPA na magbalik-loob sa gobyerno dahil ang pamahalaan ay laging bukas para sa mga nais magbagong buhay.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles