21.5 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

Supplementary Feeding Program (SFP), isinagawa ng DSWD sa Child Development Center sa Pangasinan

Nagsagawa ng Supplementary Feeding Program (SFP) ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development- Region 1 sa Child Development Centers, Infanta, Pangasinan nito lamang ika-23 ng Nobyembre 2022.

Pinangunahan ni Ginang Rowena Manzano Lopez, Project Development Officer at Janice Guno, Municipal Social Welfare Officer katuwang ang Local Government Unit ng Infanta, Pangasinan ang nasabing aktibidad.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayong pandagdag suporta para sa feeding program ng mga bata sa mga CDC/SNP na pinangangasiwaan ng mga lokal na pamahalaan na tugunan ang 1/3 na pangangailangan ng mga bata o Recommended Energy at Nutrient Intake (RENI).

Layunin din nito na mapalawak ang wastong kaalaman, kaugalian at kasanayan ng mga bata, magulang at caregivers sa pamamagitan ng pinasiglang edukasyon, kalusugan at nutrisyon.

Tungkulin ng lokal na pamahalaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga bata at matulungan upang maging masigla at protektado sa sakit lalong-lalo na sa panahon ng pandemya.

Gayundin, hangad ng Supplementary Feeding Program na mawala na ang problemang malnutrition sa nasabing lugar.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles