16.4 C
Baguio City
Wednesday, October 9, 2024
spot_img

Sunog, sumiklab sa isang bahay sa Besao, Mt. Province

Sumiklab ang isang sunog sa isang lumang bahay sa Besao West, Besao, Mountain Province bandang 10:51 ng gabi nito lamang Hunyo 28, 2023.

Ang bahay ay pag-aari ni Ginoong Santos Andogan, 57 anyos, may asawa, trabahador, kasalukuyang naninirahan sa Quirino Hill, Baguio City.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, ang bahay ay luma, gawa sa light materials at walang nakatira.

Samantala, ang nasabing sunog ay idineklarang fire out ng mga rumespondeng tauhan ng Bureau of Fire Protection bandang 11:09 ng gabi at walang naitalang nasugatan.

Tinatayang umabot sa Php300,000 halaga ng pinsala sa nasabing insidente habang patuloy ang masusing imbestigasyon ng PNP at BFP sa pinagmulan ng sunog.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles