Agad rumesponde ang mga tauhan ng Alfonso Lista-Bureau of Fire Protection at Alfonso Lista PNP sa naganap na sunog sa Alfonso Lista Central School, Brgy. Sta. Maria, Alfonso Lista, Ifugao nito lamang Hunyo 24, 2023.
Ayon sa ulat, ganap na 5:30 ng hapon nang makita ng isang tindero na naglalako sa harap ng nasabing paaralan ang sunog na nagmumula sa Grade VI classroom kaya naman agad niya itong inireport sa kinauukulan.
Dito ay rumesponde ang mga tauhan ng BFP at PNP ng Alfonso Lista at idineklarang naapula ang apoy bandang 7:30 PM.
Tinatayang nasa Php70,000 halaga ng modules, assorted books at electric fans ang tinupok ng apoy kung saan ayon sa Alfonso Lista-BFP ay faulty electrical wiring ang posibleng naging sanhi nito.
Nananawagan naman ang BFP-PNP na mag-ingat at maging alisto upang maiwasan ang anumang uri ng sunog.