17.8 C
Baguio City
Sunday, April 13, 2025
spot_img

Stipend para sa Abril, ipinamahagi na sa higit 590 Municipal Scholars ng Bayan

Tinanggap na ng kabuuang 597 municipal scholars ang kanilang buwanang stipend para sa Abril noong Lunes, Abril 7, sa 3rd Floor Municipal Building, Municipal Hall ng Mangaldan, Pangasinan.

Pinangunahan ng Office of the Municipal Planning and Development Coordinator (OMPDC) ang pamamahagi, katuwang ang MDRRMO at ilang student interns, na masigasig na tumulong sa proseso.

Ayon sa tala ng OMPDC, 431 junior at senior high school scholars ang nakatanggap ng tig-Php1,200, habang 166 college scholars naman ang nakatanggap ng tig-Php 2,000, bilang bahagi ng kanilang ika-walong stipend para sa School Year 2024–2025.

Isa ang Municipal Scholarship Program sa mga pangunahing programang patuloy na pinapalakas ng administrasyon ni Mayor Bona Fe De Vera Parayno.

Ayon sa kanya, layunin ng kanyang pamahalaan na madagdagan pa ang bilang ng mga iskolar sa mga susunod na taon, upang mas marami pang kabataan ang makapagtapos at makamit ang kanilang mga pangarap.

Samantala, bukas pa rin ang aplikasyon para sa mga nais maging bahagi ng susunod na batch ng municipal scholars para sa SY 2025–2026. Ang deadline ng aplikasyon ay hanggang Mayo 16, habang ang qualifying exams ay nakatakda sa Mayo 29 para sa First Year High School at Mayo 30 para sa First Year College.

Source: Public Information Office – Mangaldan, Pangasinan

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles