Humigit kumulang 200 na residente ng Brangay Matusalem, Roxas, Isabela, ang napasaya ng mga stakeholders sa mga aktibidad na isinagawa at serbisyong hatid nito tulad ng Feeding Program, pamamahagi ng stuff toys at tsinelas.
Ang mga stakeholders na ito ay ang Mallig Plains Masonic Lodge No.191 sa pamumuno ni Worshipful Master Ricardo Agustin; Xentro Mall Roxas, Isabela sa pamumuno ni Ms. Maricel Mañago, Branch Manager; at Ginang Kris Alvarez Melchor, may-ari at Manager ng Bamboo Sizzling House, Roxas, Isabela.
Samantala, kasama din ng grupo ang Roxas Police Station sa pamumuno ng Hepe nito na si Police Major Ardee Tion na nagsagawa naman ng talakayan tungkol sa EO 70 (NTF-ELCAC) at mga mahahalagang batas katulad ng RA 9262 (Anti-VAWC law).
Layunin ng aktibidad na mapanatili ang tiwala ng komunidad sa pamahalaan at mailapit ang mamamayan tungo sa kapayapaan at kaunlaran ng bansa.
Source: Roxas PS