Kusang loob na sumuko ang isang squad Leader ng New People’s Army (NPA) sa tanggapan ng Pinukpuk Municipal Police Station sa Barangay Taga, Pinukpuk, Kalinga nito lamang ika-21 ng Hulyo 2023.
Kinilala ang sumuko bilang isang lalaki, may asawa, laborer at squad leader ng Platoon Dos, Kilusang Larangang Guerilya-Baggas sa ilalim ng Lejo Cawilan Command.
Kasabay ng kanyang pagsuko ay isinuko rin niya ang kanyang armas na improvised M16 na walang marka at serial number kasama ang isang magazine na may sampung live ammunitions.
Ang boluntaryong pagsuko ay nangyari sa masusi at matiyagang pagsisikap ng mga pinagsanib na pwersa ng mga otoridad kasama ang kanyang mga kaanak, religious leaders at Local Government Unit.
Samantala, agad namang nag-abot ng groceries at isang sakong bigas ang LGU Pinukpuk.
Ang pagbabalik-loob ng sumuko sa pamahalaan ay nagpapatunay na mas maganda ang buhay ng malaya at kasama ang sariling pamilya.