Ipinamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles ang Special Program for the Employment of Students (SPES) Allowances sa 106 na estudyante na ginanap sa Session Hall ng Sangguniang Panlungsod, Angeles City nito lamang Lunes, ika-5 ng Agosto 2024.
Pinangunahan ni Hon. Carmelo ‘Pogi’ Lazatin Jr., Mayor ng naturang lungsod, kasama ang mga miyembro ng Public Employment Services Officer (PESO), sa pangunguna ni Mr. Ferdinand Calma, ang pamamahagi ng Special Program for Employment of Students (SPES) allowances.
Bawat estudyante ay nakatanggap ng halagang Php7,090.92 sa nasabing programa, na ipinatutupad ng Department of Labor and Employment (DOLE), na naglalayong magbigay ng suporta sa mga estudyanteng nangangailangan ngunit karapat-dapat, at mga Out of School Youth at tiyakin na maipagpatuloy ng mga benepisyaryo ang kanilang pag-aaral.
Ito ay hindi lamang isang paraan ng pagbibigay ng pinansyal na tulong kundi pati na rin isang mahalagang hakbang sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon at pagbuo ng isang mas maunlad na hinaharap para sa mga kabataan.