17.4 C
Baguio City
Sunday, October 6, 2024
spot_img

Southern Hingyon National High School nakiisa sa 2022 International AIDS Candlelight Memorial

Nakiisa ang mga guro, mag-aaral at kawani ng Southern Hingyon National High School sa paggunita sa 2022 International AIDS Candlelight Memorial sa Bitu, Hingyon, Ifugao noong Mayo 18, 2022.

Ang 2022 IACM ay may temang “Naaalala Natin, Kumikilos Tayo, Nabubuhay Tayo sa Kabila ng HIV”.

Ang mga dumalo ay nagsuot ng pulang t-shirt, bumuo ng hugis laso at nagsindi ng kandila upang itaas ang kamalayan at ipakita ang suporta para sa mga pasyente ng HIV/AIDS at pag-alala sa mga namayapa na.

Ayon sa DOH, layunin din ng aktibidad na hadlangan ang stigma at diskriminasyon sa mga taong maysakit na HIV/AIDS, magkaisa at magbigay ng pag-asa sa halos 38 milyong mga taong nabubuhay na may HIV ngayon.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles