26.4 C
Baguio City
Monday, April 7, 2025
spot_img

Solar panels sa lahat ng Barangay Hall at Gusali ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles, ipinatupad

Matagumpay na ipinatupad ng Pamahalaang Lungsod ang paglalagay ng mga solar panel sa mga barangay hall at iba’t ibang gusali ng pamahalaang lungsod ng Angeles City na target matapos ngayong Abril 2025.

Ang proyekto ay inisyatibo ng administrasyon ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., na may layuning pataasin ang energy efficiency, tiyakin ang tuloy-tuloy na serbisyo para sa mga residente, at isulong ang pangangalaga sa kalikasan.

Ayon kay Engr. Giovanni Aquino ng City Engineer’s Office Electrical Division, ilang pangunahing gusali ng lungsod gaya ng City Hall, City Social Welfare and Development Office, PDEA-Angeles City, City College of Angeles, at Belen Homesite Elementary School ay kasalukuyan nang gumagamit ng solar energy.

Kasunod na ring lalagyan ng solar panels ang Rafael Lazatin Memorial Medical Center at City Library.

Para naman sa mga barangay hall, ipinaliwanag ni Engr. Aquino, na ibinatay ang bilang ng solar panels sa aktwal na konsumo ng kuryente ng bawat barangay upang masigurong sapat at epektibo ang paggamit nito.

Sa ngayon, 28 barangay na ang tapos na sa instalasyon habang ang natitirang 5 ay nasa proseso na.

Tiniyak din ng lungsod na may mga sanay na personnel na magbabantay at magme-maintain ng mga solar panel upang masigurong tatagal at magiging epektibo ang operasyon nito.

Ang lahat ng ito ay patunay ng matatag na pangako ng pamahalaan sa isang mas maaliwalas, mas episyente, at mas makakalikasang Lungsod ng Angeles.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles