20.1 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Social Technology Day Celebration, isinagawa ng DSWD Office 1 sa San Fernando City, La Union

Pinagdiriwang ang Social Technology Day ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 sa San Fernando City, La Union nito lamang ika-19 ng Oktubre 2022.

Ang Social Technology Day ay sumisimbolo na maipakita ang kahalagahan ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang pakikipagtulungan upang makapagbigay ng tamang serbisyo at agarang solusyon sa mga problema ng lipunan gamit ang angkop na social technologies.

Ayon sa DSWD Field Office 1, ang aktibidad ay dinaluhan ng mga kinatawan ng mga Local Government Unit mula sa iba’t ibang bahagi ng Rehiyon Uno na nagpapatupad ng innovative social welfare and development models of intervention.

Kinapulutan naman ng aral ng mga dumalo ang ibinahaging kaalaman nila Dr. Mark Anthony D. Latoja, Stress Management for Completed Social Technology Implementers, Aristedeo V. Tinol, Social Technology Monitoring System at si Nelfa Q. Evangelista, Good Practices in the Replication of Sheltered Workshop for Older Persons and Person with Disabilities.

Ang nasabing aktibidad ay matagumpay na naidaos ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 na may temang “Matatag na Lokal na Pamahalaan: Katuwang sa Makabagong Teknolohiyang Panlipunan”.

Source: DSWD Field Office 1

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles